Pag-aaralan ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Chairman Senator Ronald “Bato” dela Rosa kung ipagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Senado kay dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., matapos na sa wakas ay madakip ito sa Dili, East Timor noong nakaraang linggo.
Ayon kay Dela Rosa, maaaring ipagpatuloy ang pagdinig at maaaring hindi na rin dahil noong nakaraang taon pa tinapos ang imbestigasyon dito ng Senado.
Magkagayunman, dahil nasa kamay na ng mga awtoridad ng bansa si Teves ay kanyang titingnan muna kung may mga impormasyon pang kailangang malaman mula sa dating kongresista.
Mahalaga aniya kung may mga bagay na kailangang ipaliwanag si Teves at kung makikipag-cooperate ang dating mambabatas ay maaari ipagpatuloy ang hearing dito ng Mataas na Kapulungan.
Sinabi pa ni Dela Rosa na mayroong committee report na sa imbestigasyon ng Senado iyon lamang ay hindi pa ito na-i-sponsoran sa plenaryo.