Sen Drilon, sinopla ng Palasyo

Walang basehan ang paratang ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na 9 out of 75 infrastructures lamang ng Build Build Build Program ang naumpisahan ng Duterte Admin.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson Salvador Panelo malayong malayo ang nagagawa ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ikukumpara sa halos walang nagawang administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino.

 

Inisa isa pa ni Panelo ang mga imprastraktura na kasalukuyang ginagawa sa ilalim ng Build Build Build Program at inaasahang matatapos bago o pagkatapos ng termino ng pangulo sa 2022.


 

Ilan aniya dito ang LRT Extension mula Baclaran hanggang Cavite, Mrt rehabilitation na inaasahang matatapos sa 2021, ang Metro Subway gayundin ang pagtatayo ng MRT Common station na syang magduduktong sa mrt 3, mrt 7, lrt at ang metro mla subway.

 

Isama pa aniya dito ang LRT2 East extension na 64.85% nang kumpleto, PNR Clark na on going ang konstruksyon kung saan inaasahang magiging 35min na lamang ang byahe mula Tutuban hanggang Malolos and vice versa.

 

Ang phase 2 ng PNR Malolos Clark, PNR na may byaheng Bicol kung saan magiging 6 na oras na lamang ang byahe mula Legaspi-Mla, ang PNR Calamba, Subic Clark Railway, Mindanao railway ang konstruksyon ng Bulacan airport at Sangley airport na makakatulong upang madecongest ang NAIA ang nagpapatuloy na rehabilitasyon sa NAIA Terminal 2 at isama pa ang mga naisaayos at nagawang daan, tulay, flood control projects, evacuation centers at eskwelahan ng DPWH.

Facebook Comments