Sen. Drilon, tigil muna sa pagbanat sa higit P50-M halaga ng SEA Games cauldron

“Ceasefire” na muna si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pagbusisi sa bilyon-bilyong pisong gastos ng pamahalaan para sa Southeast Asian (SEA) Games.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Drilon na hahayaan muna niyang makapag-concentrate ang sports official sa paghahanda sa SEA Games.

Sa ngayon aniya, mas kailangan ang suporta sa mga atleta.


Duda rin si Drilon na mababawi ng gobyerno ang gastos sa sports facilities na ipinagawa para sa SEA Games.

Maliban kasi aniya sa gastos sa konstruksyon, mangangailangan din ng P180-million kada taon para sa maintenance ng Clark Stadium na una nang kinuwestiyon ng senador.

Facebook Comments