Sen. Ejercito, tiwalang lulusot sa CA si Sec. Duque

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Senator JV Ejercito ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Secretary Francisco Duque sa Department of Health.

Bilang chairman ng senate committee on health ay excited na rin si Ejercito na makatrabaho si Sec. Duque.

Diin pa ni Ejercito, si Duque ay disente, at may mataas na integridad at kredibilidad.


Naniniwala si Ejercito na hindi mahiharapan si Duque na makalusot sa Commission on Appointments o CA.

Si Duque ay itinalaga ni Pangulong Duterte kapalit ni dating Health Secretary Paulyn Ubial na panlimang miyembro ng gabinte na hindi nakalusot sa CA.

Bago si Ubial, ay naunang ng ibinasura ng CA ang appointment nina Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., Environment Secretary Gina Lopez, DSWD Sec. Judy Taguiwalo at DAR Sec. Rafael Mariano, Marc Anthony Ventura, naghain pa rin ng counter affidavit kahit bumaliktad na sa Atio Castillo hazing case; Arvin Balag, nag-subscribe na rin ng kontra salaysay habang nakakulong sa senado.

Facebook Comments