Sen. Erwin Tulfo, nagpasalamat sa tiwala ng senado matapos italaga munang acting chairman ng Blue Ribbon Committee

Nagpasalamat si Senator Erwin Tulfo sa tiwala sa kanya ni Senate President Tito Sotto III matapos na pansamantalang maitalaga bilang acting chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Si Tulfo na vice chairman ng naturang komite ay awtomatikong iniakyat bilang acting Chairman habang wala pa sa mga senador na napipisil ang pumapayag na maupo sa posisyon.

Ayon kay Tulfo, batid niya na maraming kababayan ang umaasa at nakaabang sa imbestigasyon partikular na sa flood control project anomalies.

Umaasa rin si Sen. Erwin na sa lalong madaling panahon ay makahahanap din ng permanenteng chairman ang isa sa pinakamahalagang komite sa Senado.

Naunang inihayag ni Sotto na “good choice” si Sen. Erwin sa Blue Ribbon dahil mahusay at may karanasan sa investigative journalism at matapang din sa pagtatanong.

Habang wala pang pumapayag mula sa limang senador na pinagpipiliang ipalit sa nagbitiw na si Senate President pro-tempore Ping Lacson ay si Tulfo muna ang mangunguna sa Blue Ribbon.

Facebook Comments