Tatayo si Senator Francis Tolentino bilang legal counsel ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa madugong drug war ng nakaraang Duterte administration na si Senator Francis Tolentino.
Ayon kay Tolentino, tinanggap niya ang alok ni Dela Rosa na mag-abogado sa kinakaharap na kaso sa ICC.
Sinabi ng senador na ipapaalam pa nito kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang tungkol sa pagtayo niya bilang abogado ni Dela Rosa.
Sa ngayon, ipinapaayos niya na ang mga papeles para sa proper accreditation kung sakaling matuloy ang kanyang pag-aabogado kay Dela Rosa.
Nang matanong naman si Tolentino kung ano ang legal advice niya kay Dela Rosa, pinayuhan umano niya ito na kung may administrative o quasi-judicial body na hihingi ng dokumento o hihingi ng kanyang testimonya, handa naman silang sumunod.
Pero, giit ni Tolentino, ang imbestigasyon ay dapat na gawin sa Pilipinas at hindi sa Netherlands.
Matatandaang si dating Pangulong Duterte at Dela Rosa ay mga kasama sa inaakusahan ng “crimes against humanity” ng mga biktima ng drug-war ng dating administrasyon.