Sen. Go, kumbinsidong nakapaghanda ang LGUs sa mga nagdaang kalamidad kaya mas kakaunti ang nasawi

Pasado kay Senator Christopher “Bong” Go ang ginawang paghahanda ng Local Government Units (LGUs) laban sa magkakasunod na bagyo na humagupit sa Luzon.

Ayon kay Go, ang kahandaan at mahigpit na koordinasyon ng LGUs ang dahilan kaya kakaunti lang ang namatay sa kalamidad bagama’t nagdulot pa ito ng malawakang pagbaha.

Diin ni Go, kumpara sa mga nagdaang taon na nangangapa, ngayon ay mayroon ng mekanismo na nakalatag ang LGUs para makapaghanda sa kalamidad at makatugon sa epekto nito.


Kumbinsido rin si Go sa sinabi ng PAGASA na 15-percent lang ng nangyaring malawakang pagbaha ang nagmula sa mga dam at 85-percent ay dulot ng malakas na ulan.

Kaugnay nito ay pinuri ni Go ang paglilikas sa mga apektadong pamilya bago at sa panahon ng matinding pagbaha at pananalasa ng mga bagyo.

Iginiit ni Go na sa ngayon ang mahalaga ay matututukan ang pagtulong sa mga komunidad at biktima ng kalamidad na makabalik sa normal na buhay.

Sabi nito Go, dito na papasok ang Task Force sa recovery and rehab na may klarong mandato at kapasidad upang maipatupad ang mga programa hanggang makabangon muli ang ating mga kababayang naapektuhan ng kalamidad.

Facebook Comments