Sen. Go, umaasang hindi mabi-beybi ang mga drug lord sa pamumuno ni Robredo sa kampanya laban sa ilegal na droga

Manila, Philippines – Hangad ni Senator Christopher Bong Go na magtagumpay si Vice President Leni Robredo bilang co chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Nilinaw din ni Go, na hindi patibong ang pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng posisyon kay Robredo na para sa interes o kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Gayunpaman, nangangamba si Go na baka mabeybi ang mga drug lords sa pamumuno ni Robredo sa kampanya laban sa ilegal na droga.


Ayon kay Go, kapag nangyari ito ay tiyak dadami na naman ang mga inosenteng Pilipino na magiging biktima ng droga.

Pagmamalaki ni Go, ilang president na ang dumaan pero sa ilalim lang ng administrasyong Duterte nabawasan ang mga drug lord at mga droga.

Facebook Comments