Sen. Gordon, may apela sa Pangulo at DOJ kaugnay sa serye ng pagpatay sa mga opisyal ng BuCor

Ikinadismaya ni Senator Richard Gordon ang tila pag-iral ng kultura ng pagpatay sa mga taong may nalalamang anumalya tulad ng pagpaslang kay Bureau of Corrections o BuCor Legal Division Chief Attorney Frederic Anthony Santos.

Kumbinsido si Gordon na ang pagpatay kay Santos ay may kaugnayan sa mga nalalaman nito sa kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance o ‘GCTA for Sale’ sa loob ng New Bilibid Prison.

Ayon kay Gordon, hindi katanggap-tanggap na simula noong 2011 ay umaabot na sa 15 ang pinapatay na opisyal ng BuCor kung saan ang suspek ay pawang riding in tandem.


Dahil dito ay nananawagan si Gordon kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Department of Justice na umaksyon upang mahinto ang serye ng pagpatay sa mga BuCor officials at para maresolba ang mga kaso at mapanagot ang mga salarin.

“It is a rub out. It is a warning to all in this country na pagka ikaw may nalalaman at nagsalita, kaya ka naming patayin. Bakit? Lahat itong mga pinatay sa Muntinlupa, walang solved cases. Wala tayong… wala akong nalalaman na solved na kaso. So, this is very serious and I call on the President and the Secretary of Justice.” – Committee on Justice and Human Rights Chairman Senator Richard Gordon

Facebook Comments