Sen. Grace Poe, pinaglalatag ng mas matapang na hakbang ang mga awtoridad laban sa kidnap-for-ransom groups

Mas matapang na hakbang na ang kailangang ilatag ng mga awtoridad para sawatain ang kidnap-for-ransom groups.

Ito ang naging reaksyon ni Senator Grace Poe kasunod ng kidnapping – murder case sa isang Filipino-Chinese businessman sa Quezon City.

Nitong March 22 ay natagpuan ang bangkay ng negosyanteng Filipino-Chinese na si Mario Uy sa Tanza, Cavite dalawang araw matapos dukutin ito ng tatlong Chinese at isang Vietnamese kung saan nakahingi pa ang mga suspek ng ransom sa pamilya.


Giit ni Poe, ngayon ay wala nang takot ang mga nasasangkot sa kidnap-for-ransom dahil ilan pa sa mga tito ay mga dating miyembro ng pulis at militar.

Inutusan ni Poe ang law enforcers na gawin ang lahat ng paraan para matigil ang kidnapping at maikulong ang mga sangkot dito.

Nararapat lamang aniya na ibigay sa mga Pilipino ang isang lipunan na malaya mula sa takot at kapahamakan.

Facebook Comments