Sen. Gringo Honasan, babasahan na ng sakdal sa Sandiganbayan kaugnay sa graft cases sa iligal na paggamit ng PDAF

Manila, Philippines – Babasahan na ng sakdal si Senator Gringo Honasan ngayong hapon sa Sandiganbayan 2nd division.

Ito ay may kaugnayan sa two counts ng graft charges na isinampa ng Office of the Ombudsman laban kay Honasan.

Nag-ugat ang mga kaso sa hindi tamang paggamit ng P29.1 Million na alokasyon sa pdaf ni Honasan noong 2012 kung saan kinukwestyon ang mga NGOs na pinaglaanan ng pondo para sa proyekto sa mga kapatid na Muslim sa Metro Manila at Zambales na nasa ilalim ng National Council on Muslim Filipinos.


Nauna ng kinakitaan ng probable cause ng korte ang mga reklamong isinampa laban kay Honasan.

Matatandaang aarestuhin noong August 11 si Honasan pero nagbayad ito ng pyansa na 60,000 para sa 2 bilang ng kaso ng graft sa regional trial court sa Biñan, Laguna.

Mamayang ala una y medya ay babasahan ito ng sakdal ng anti-graft court kung saan inaasahang haharap ang Senador.

Makailang ulit din na itinanggi ni Honasan ang mga alegasyon at inosente siya sa mga katiwalian na ibinabato sa kanya.

Facebook Comments