Sen. Honasan, pinayagan na bumiyahe sa China

Pinayagan ng Sandiganbayan si Senator Gringo Honasan II na bumiyahe patungong Guandong, China sa loob ng isang linggo.

Inaasahang bibisitahin ng senador ang headquarters ng Huawei Technologies Inc.

Base sa desisyong inilabas ng second division ng anti-graft court, kinakailangang maglagak si Honasan ng ₱120,000 na travel bond para matuloy ang kanyang biyahe abroad.


Ayon kay Honasan – ang pagbisita niya sa Guandong ay mula April 21 hanggang 27 kung saan tinanggap niya ang imbitasyon ni Huawei Vice President Daniel Guo Zhi.

Handa rin siyang sumunod sa anumang inilatag na kondisyon ng kanyang pagbiyahe.

Nabatid na nahaharap ang senador sa dalawang count ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act matapos niyang ilabas ang kanyang congressional allotment sa National Council of Muslim Filipinos (NCMF) para pondohan ang livelihood projects ng Muslim communities sa Metro Manila at Zambales.

Facebook Comments