Sen. Hontiveros, handang sagutin ang utos ng Korte Suprema vs Quiboloy

Handa si Senator Risa Hontiveros na sagutin ang anumang utos ng korte kaugnay sa kaso ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Hontiveros, Chairperson ng Senate Committee on Women and Children, hindi pa nila natatanggap at nababasa ang order mula sa Korte Suprema.

Aniya, pag-aaralan nila ito ng kanyang abogado na si dating Senior Associate Justice Antonio Carpio at agad din silang tutugon sa kautusan.


Magkagayunman, tiniyak ng senadora na nakahanda siyang sumunod sa direktiba ng Supreme Court at kinikilala niya ang “separation of powers” at iginagalang rin niya ang institusyon.

Dagdag pa rito, umaasa si Hontiveros na ang mga prinsipyong ito ang gagabay sa lahat kasama na aniya ang puganteng si Quiboloy.

Facebook Comments