Manila, Philippines – Kinokondena ni Senator Risa Hontiveros ang paghahasik ng karahasan ng grupong Maute sa Marawi City at giit niya na dapat maparusahan ang mga ito.
Gayunpaman, nababahala ng husto si Hontiveros sa pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa buong Mindanao sa halip na sa Marawi lang ito dapat ipinatupad.
Tinukoy ni Hontiveros na nakakabahala ang pahayag mismo ni Pangulpng Duterte na katulad ng martial law sa ilalim ng rehimeng Marcos ay magiging marahas din ang martial law na kanyang idineklara.
Nangangamba si Hontiveros na walang magiging konsiderasyon sa karapatang pantao ang pinapairal na batas militar ni Pangulong Duterte.
Hinala pa ni Hontiveros, posibleng idinekalara ang Martial Law para makabawi lang sa palpak na intelligence gathering ng security agencies.
DZXL558, Grace Mariano