Sen. Imee Marcos, hindi masaya sa liderato ni SP Sotto

Diretsahang sinabi ni Senator Imee Marcos na hindi siya masaya sa kasalukuyang liderato ng Senado.

Ayon kay Sen. Marcos, hindi niya na maunawaan ang tunay na direksyon ng Senado, partikular sa ginagawang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Para sa senadora, mistulang pinipigilan sila na pag-usapan ang tungkol dito at tumitigil lamang hanggang kay dating Congressman Zaldy Co ang usapan, at hindi na umuusad sa kung sino pa ang nasa likod ng anomalya.

Sinabi pa ng mambabatas na hindi lang siya kundi marami rin sa minority bloc ang hindi natutuwa sa tinatahak na direksyon ng imbestigasyon, lalo na ngayon na itinigil muna ang pagdinig sa ghost projects.

Puna pa ni Sen. Marcos, ang mga bardagulan at bangayan ay hindi na naaangkop sa Senado at kung maaari sana ay tuloy-tuloy na lamang sila sa pagtatrabaho.

Itinanggi rin ng senadora na ang minority bloc ang nasa likod ng kudeta sa liderato ni Senate President Tito Sotto III.

Facebook Comments