iFM Laoag – Ipinanukala ni Senator Imee Marcos ang pagkakaroon ng ‘Citizen Service Program’ para umano sa mga mag-aaral mula grade school hanggang kolehiyo.
Ito ay matapos umiiral ang layunin ni Presidente Rodrigo Duterte na paigtingin ang Reserve Officer Training Corps (ROTC) sa sekundarya lalo na sa grades 11 at 12.
Naniniwala si Senador Marcos na marami pang paraan upang makatulong sa bayan higit pa kaysa pakikipagdigmaan.
Sa Senate Bill no. 413, nakasaad dito ang pagbuo ng “Citizen Service Program” mula grade school hanggang kolehiyo at may libreng health insurance pa ito.
Dagdag pa ni Marcos na magdedepende sa desisyun ng mga estudyante sa kolehiyo kung gusto nilang pumasok sa ‘military training’. Gawain na daw umano ito noong nanunungkulan pa lamang ang kaniang ama na si dating Presidente Ferdinand Marcos.
Bernard Ver, RMN News