Sen. Jinggoy Estrada, pagpapaliwanagin ang DOLE tungkol sa ulat ng pangulo na 95 percent ang employment rate sa bansa

Pagpapaliwanagin ni Senator Jinggoy Estrada ang Department of Labor and Employment (DOLE) tungkol sa impormasyon ng ulat ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na umabot na sa 95 percent ang employment rate sa bansa.

Ayon kay Estrada, Chairman ng Senate Committee on Labor, kokonsultahin niya agad ang mga opisyal ng DOLE tungkol sa nabanggit ng pangulo sa napakataas na employment rate at aatasan ang kanyang mga staff na kunin ang pinagbatayang statistics ng presidente.

Sinabi pa ng senador na posibleng nagkaroon ng improvement sa employment rate pero duda ang mambabatas na ganun nga iyon kataas.


Nagtataka rin si Estrada dahil ang datos ay nagmula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na dapat ang statistics ay manggagaling sa DOLE.

Ayaw naman nang magkomento pa ng senador dahil posibleng may binigay na datos ang DOLE sa Malakanyang na naging basehan ng pangulo para masabing 95 percent ang employment rate sa bansa.

Facebook Comments