Sen. Juan Miguel Zubiri, inaming positibo sa COVID-19

From Facebook/Senator Migz Zubiri

Kinumpirma ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri nitong Lunes na positibo siya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa mambabatas, hindi siya nakitaan ng kahit anong sintomas ng virus kaya pinaalalahanan niya ang publiko na mag-ingat sa traydor na karamdaman.

Nagpasuri si Zubiri noong Biyernes, Marso 13 at nalaman niya ang resulta ng eksaminasyon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ngayong araw.


Kabilang ang senador sa mga pasyenteng “asymptomatic” o walang naramdamang sakit.

“My heart sank with what he had said but I am uplifted with the fact that i am asymptomatic and have no fever or cough nor am i weak or have any headaches,” bahagi ng Facebook post ni Zubiri.

Simula noong Miyerkoles ng gabi, sumailalim sa self-quarantine si Zubri para maprotektahan rin ang mga mahal sa buhay at iba pang indibidwal laban sa nakahahawang sakit.

Aniya, ang naturang hakbang ay “best decision he ever made”.

Matatandaang nagpositibo sa COVID-19 ang isang bisita sa Senado na nakaratay sa isang ospital sa Maynila.

“As for me i will stay locked in isolation for 10 more days until i get checked once again with hopefully a negative result.

“I hope my coming out will show how dangerously infectious this virus is. Sa aking mga Kababayans, makinig po tayo sa mga babala nang Gobyerno at wag na po kayo lumabas sa inyong mga tahanan. God bless us all,” wika ng senador.

Facebook Comments