Thursday, January 22, 2026

Sen. JV Ejercito, sinampahan ng ethics complaint dahil sa hindi pag-aksyon sa reklamo laban kay Sen. Chiz Escudero

Sinampahan ng ethics complaint si Senator JV Ejercito sa Chairman naman ng Senate Committee on Ethics and Privileges.

Si Atty. Eldridge Aceron ang nagsampa ng reklamo laban kay Ejercito ng gross neglect of constitutional duty dahil sa hindi pag-aksyon sa inihaing ethics complaint laban kay Senator Chiz Escudero.

Kung matatandaan, sinampahan noong Oktubre ng ethics complaint si Escudero ukol ito sa pagtanggap ng senador ng P30 million campaign donation mula sa isang kontratista ng DPWH.

Tinukoy sa complaint na 109 na araw na mula noong isampa nila ang reklamo laban kay Escudero pero wala pang aksyon hanggang ngayon ang Senado.

Nakasaad sa reklamo ni Aceron na kung ayaw, may dahilan at kung gusto maraming paraan.

Paliwanag naman ni Ejercito, hindi pa niya pwedeng aksyunan ang ethics complaint laban kay Escudero at sa iba pang kapwa senador dahil siya pa lang ang nahalal sa ethics committee bilang chairman at wala pa ito kahit isang miyembro.

Facebook Comments