Sen. Lacson at Trillanes, sasampahan ng ethics complaint ni former Customs Commissioner Faeldon

Manila, Philippines – Alas-onse ng umaga sa Lunes ay maghahain ng reklamo sa senate ethics committee si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon laban kay Senator Panfilo Ping Lacson.

Atty. Jose Diño, basehan ng ethics compliant ang paninirang puri ni Lacson kay Faeldon, pag-abuso sa karapatan at prebileheyo nito bilang senador at serious misconduct.

Dagdag pa ni Atty. Diño, sa pamamagitan ng ethics complaint ay hihilingin nila kay Lacson na ilabas, kung meron man, itong ebidensya sa kanyang alegasyon na sangkot sa tara system si Faeldon at tumanggap pa ng 100-million pesos na welcome pasalubong sa BOC.


Sabi ni Atty. Diño, layunin nilang masuspende o tuluyang matanggal sa Senado si Senator Lacson.

Sa Sept. 25 naman ay nakatakdang sampahan ni Faeldon ng ethics complaint si Senator Trillanes dahil sa mga negatibong pahayag nito.

Magugunitang sinabi noon ni Senator Trillanes na si Faeldon ang sentro ng mga anumalya sa Bureau of Customs, kasama ang paglusot ng droga mula sa China.

Kaugnay nito ay hihilingin ni Atty. Diño kay senate Sergeant at Arms Chief Retired General Jose Balajadia na palabasin si Faeldon saglit mula sa detention facility ng Senado para personal na maisumite ang ethics complaint kay Senate Majority Leader Tito Sotto III na syang Chairman ng senate ethics committee.

Facebook Comments