Sen. Lacson, dudang may saysay pa na ituloy pang peacetalks sa komunistang grupo

Manila, Philippines – Naniniwala si Senator Panfilo Ping Lacson na walang ng kabuluhan pa na ipagpatuloy ng gobyerno ang usapang pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines – New Peoples Army – national democratic front o CPP-NPA-NDF.

Paliwanag ni lacson, useless o wala ng silbi pang makipag dayalogo sa mga rebeldeng komunista dahil sa imposibleng mga demands o hinihiling nito sa pamahalaan.

Inihalimbawa ni Lacson ang hiling ng CPP-NPA-NDF na pananatili ng armas ng NPA na nais din nilang hirangin bilang mga forest guards.


Diin ni Lacson, malinaw ang intensyon ng komunistang grupo na mapasakamay nila ang kontrol sa lahat ng mga kagubatan kung saan madedehado ang mga negosyo at industriya sa lugar.

Punto pa ni Lacson, napatunayan ng walang kontrol sa kanilang foot soldiers o NPA ang lider ng komunistang grupo na kinakausap ng gobyerno sa abroad.

Facebook Comments