MANILA – Kumbinsido si Sen. Panfilo Lacson na nagkulang sa internal discipline at internal cleansing ang liderato ng Philippine National Police.Ayon kay Lacson, ito ang dahilan kung bakit marami ang umaabuso at nagiging tiwaling pulis habang nasa serbisyo.Sabi ng senador, maganda naman ang kampanya ng pambansang pulisya laban sa iligal na droga pero sana ay sinasabayan ito ng paglilinis sa kanilang hanay.At dahil dito aniya, talagang mahihikayat ang mga tiwaling pulis na gumawa nga ng masamang bagay na taliwas sa kanilang sinumpaang tungkulin.Ang naturang pahayag ni Lacson ay kasunod na rin ng pagkakasangkot ng ilang pulis sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.
Facebook Comments