Sen. Lacson, may hawak na bagong testigo na magbibigay linaw sa pagkamatay ni Carl Angelo Arnaiz

Manila, Philippines – Mayroong hawak na testigo si Sen. Panfilo Lacson na magbibigay linaw sa kaso ng pagkamatay ni Carl Angelo Arnaiz.

Ayon kay Lacson, boluntaryong nagpunta sa kanyang opisina ang testigong lalaki na nasa edad 21 taon.

Gumawa ng sulat-kamay na salaysay ang di pinangalanang testigo, kung saan ikinuwento nito ang kanyang nakita bago mapatay si Arnaiz.


Sinabi nito na nakita niya si Arnaiz na sakay ng mobile ng pulis at nagkatinginan pa sila ni Carl.

Kinumpirma rin ng testigo na may kasama na isa pang bata si arnaiz, pero hindi pa tukoy kung ito nga si Reynaldo de Guzman alyas Kulot.

Tiwala naman si Lacson na magkakaroon ng linaw ang kaso na iniimbestigahan na rin ng Senado dahil sa paglutang ng mga testigo.

Facebook Comments