Sen. Lacson, may isisiwalat na malaking plunder isyu laban kay Duque

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senator Panfilo Lacson na mayroon pa siyang mga isisiwalat na isyu ng katiwalian na dawit si Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon kay Lacson – mayroon pang mas malaking isyu kaysa sa plunder at graft charges na may kaugnayan sa rental agreement sa pagitan ng kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya ni Duque at ng PhilHealth.

Ani Lacson – may hinihintay siyang huling dokumento at karamihan sa mga dokumento ay nanggagaling sa ahenysa.


Handa rin si Lacson na ibahagi ng impormasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte kapag nakumpleto na niya ang lahat ng dokumento.

Naniniwala ang senador na kapag nagbunyag at napatunayan ang korapsyon sa PhilHealth at Department of Health (DOH) ay makakatulong sa paglilinis sa hanay nito at maipapatupad ng maayos ang Universal Health Care Law.

Facebook Comments