Sen. Lacson, nais malaman kung sino ang nagdikta ng sobrang taas na presyo ng Sinovac vaccines na inilabas ng DOH

Nais ngayong malaman ni Senator Panfilo Lacson kung sino ang nagdikta sa Department of Health (DOH) kaya mataas ang presyo ng Sinovac vaccines na dati nitong binanggit.

Hindi kasi pumasa kay Lacson ang paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III na hinanap niya lang sa Google ang presyo ng nabanggit na bakuna.

Magugunitang sa isinumite ng DOH sa Senate finance committee noong 2021 budget deliberations ay lumalabas na ₱3,629.50 ang presyo ng bawat dose ng Sinovac vaccine.


Malayong-malayo ito sa tunay na presyo nito na ₱650 hanggang ₱700 kada dose.

Hindi inaalis ni Lacson na ang mataas na presyo na unang inilabas ng DOH ay may pagtatangka na isahan ang mamamayang Pilipino kahit nasa gitna ng pandemya.

Facebook Comments