Lightweight champion Ryan Garcia, sunod na makakaharap ni pambansang kamao Manny Pacquiao

65
Photo Courtesy: King Ryan Instagram

Inanunsyo ni WBC interim lightweight champion Ryan Garcia na sunod nitong makakalaban si eight division world champion Manny “Pacman” Pacquiao.

Sa Instagram ng 22-year-old boxer, ibinahagi nito ang poster para sa inaasam na laban nila ni Pacquiao.


Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon ang kampo ni Pacquiao hinggil sa sunod nitong makakalaban.

Samantala, inamin ni MMA superstar Conor McGregor na hindi na siya umaasa na matutuloy pa ang ikinakasang laban sa pagitan nila ni Manny Pacquiao.

Lumabo ang inaasahang salpukan nila ni Pacquiao matapos siyang talunin ni Dustin Poirier sa pamamagitan ng knockout sa 2nd round ng kanilang bakbakan sa UFC 257 sa Abu Dhabi.

Facebook Comments