Manila, Philippines – Malaki ang tiwala ni Senator LorenLegarda na makakalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments o CA sapagbabalik ng session sa susunod na buwan si Department of Environment andNatural Resources o DENR secretary Gina Lopez.
Si Lopez ay hindi nakumpirma bago mag adjourn ang sessionnitong Marso dahil sa dami ng kanyang oppositor na may kaugnayan sakontrobesyal na pagpapasara niya ng mga minahan.
Ayon kay Legarda na miyembro ng CA, mananatili angsuporta nya kay Sec. Lopez.
Buo ang paniniwala si Legarda sa kakayahan ni Lopez napamunuan ang DENR at sa kakayahan nitong ipaglaban ang mga nararapat na hakbangpara maibsan ang epekto ng climate change.
Bunsod nito ay umaasa si Legarda na susuportahan din si Sec.Lopez ng iba pa niyang kasamahan sa Commission on Appointments.
Samantala, tumanggap naman ng parangal si Legarda at 30pang mga indibidual at grupo mula sa Climate Reality Project Philippines dahilsa kanilang mga naiambag para tugunan ang problemang hatid ng climate change.
Tinanggap ni Legarda ang Luntiang Kapawa Award dahil sakanyang pagsisikap na maiangat ang talakayan at aksyon kaugnay sa climatechange.
Maliban sa mga naipasang batas na may kaugnayan sapangangalaga sa kalikasan ay naging daan din si Legarda para mapabilang ang Pilipinassa paris agreement.
Sen. Legarda, tiwalang makakalusot sa Commission on Appointments si Sec. Gina Lopez
Facebook Comments