Sen. Leila De Lima, dapat lamang na magdusa sa kulungan ayon kay Pangulong Duterte

233

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Leila de Lima matapos batikusin ang kanyang long-time aide na si Senator Christopher “Bong” Go.

Matatandaang iginiit ni De Lima na dapat ihinto na ni Go ang pagtatakip para kay Pangulong Duterte at huwag nang linlangin pa ang publiko sa kanyang tunay na kapasidad na mamuno.


Sa kanyang lingguhang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na dapat lamang magdusa si De Lima sa kulungan habang sila ay masayang nag-e-enjoy sa kanilang buhay.

Hindi rin nakaligtas ang senadora sa mga matatalas na mura ng Pangulo at panlalait nito sa kanyang pagkakakulong.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, hindi matanggap ni De Lima na siya ang nanalo noong 2016 presidential elections.

Wala ring pakialam ang Pangulo kung mapapalaya si De Lima mula sa kanyang kulungan.



Si De Lima ay kilalang kritiko ni Pangulong Duterte at nakakulong na sa halos apat na taon dahil sa kinakaharap na drug charges laban sa kanya.


Facebook Comments