MANILA – Inihahanda na ni Senador Leila De Lima ang mga kasong isasampa niya laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa iba pang personalidad na nasa likod ng paninira sa kanyang reputasyon.Bukod kay Duterte, kakasuhan rin niya si dating Pangulo at ngayong Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.Inamin naman ng senadora, na inihahanda na niya ang kanyang sarili sa “pinakamatinding” pag-atake laban sa kanya.Agad na dumepensa si Atty. Lary Gadon, abogado ni CGMA at sinabing walang kinalaman dito ang dating Pangulo.Samantala, balak ng minorya sa House of Representative na kasuhan na si De Lima dahil sa pagkakadawit nito sa kalakaran ng droga sa New Bilibid Prisons.Ayon kay minority leader Danilo Suarez, kasong plunder, bribery at trafficking of dangerous of drugs ang ihahain nila kay De Lima.Hindi naman ikinagulat ni De Lima ang rekomendasyon ni Suarez at sinabing kasama ito sa mga nagdidiin sa kanya.
Sen. Leila De Lima, Inihahanda Na Ang Mga Kasong Isasampa Laban Kay P-Duterte Habang Minority Bloc Sa Kamara, Pinakakasu
Facebook Comments