Binigyang diin ni Senator Leila de Lima na kailangang-kailangan ng bansa ang pamumuno nina Vice President Leni Robredo at running mate nito na si Senator Kiko Pangilinan para sa maayos na pamamalakad sa pamahalaan.
Ayon sa Senadora, bukod sa kanilang solid na track record, mahaba ang resibo at nakatapak na mismo sa mga komunidad ang Leni-Kiko tandem.
Ipinunto ni de Lima ang matagal nang pakikibaka ni Pangilinan para sa kapakanan ng mga magsasaka kagaya ng paglaban sa rice smuggling.
Naniniwala rin si de Lima na walang maiiwan sa ilalim ng Leni-Kiko administration at tinawag din niya ito bilang best tandem.
Kasunod nito, nagbabala naman ang senadora na mag-ingat at patuloy na labanan ang mga maling akusasyon at maling impormasyon ilang linggo bago ang halalan sa Mayo 9.