Ikinatuwa at pinasalamatan ni Senator Leila De Lima ang international community, particular ang European Parliament sa pagsulong ng kanyang ipinaglalaban.
Ito ay matapos na manawagan sa Philippine Government na ibasura na ang mga “politically motivated charges” laban kay De Lima at hayaan siyang gamitin ang kanyang karapatan at magtrabaho bilang isang elected representative.
Ayon kay ni De Lima, nagpapasalamat siya sa international community na patuloy na lumalaban para sa hustisya at human rights sa Pilipinas.
Nagpasalamat din ang Senadora dahil sa pagpapakita ng mga ito ng malasakit sa kanyang pinagdadaanan.
Sinabi ni De Lima na ang posisyon ng parliament sa ilang mga isyu sa bansa ay nagpapaalala lamang na nagmamasid ang mundo at mabibigyan ng hustisya ang mga tinanggalan nito.
Inaresto si De Lima noong 2017 matapos na madawit sa umano’y drug-related activities habang nanunungkulan bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ) na mariing itinanggi naman niya ito.