MANILA – Humingi ng pasensya si Sen. Leila De Lima dahil sa kanyang pagwa-walk out sa pagdinig ng Senado noong Lunes ng gabi hinggil sa extra judicial killings.Nagsorry si De Lima, dahil wala na siyang magawa matapos pagtulungan ng mga senador.Hindi na rin anya siya pinakinggan ng mga kapwa senador at binalewala ang kanyang mga paliwanag, na hindi niya sinadyang itago ang impormasyon na may kinakaharap na kasong kidnapping si Edgar Matobato.Samantala… Walang plano na humingi ng paumanhin si Senate Commitee on Justice and Human Rights Chairman Richard Gordon kay Sen. De Lima.Giit ni Gordon, dapat ang senadora ang dapat na humingi ng sorry sa senado matapos nitong itago ang impormasyon kaugnay kay Matobato.Ayon pa kay Gordon, pinag-iisipan nilang ireklamo sa Ethics Committee sina De Lima at Trillanes dahil saunparliamentary acts.Sa kabila nito, sinabi ni Gordon na hindi niya pini-personal ang dalawang senador.
Sen. Leila De Lima, Nagsorry Matapos Magwalk-Out Sa Pagdinig Ng Senado – Pero, Sen. Gordon, Nagmatigas Na Hindi Ibibigay
Facebook Comments