Sen. Leila de Lima, nakaboto na

Wala pang sampung minuto ang nakalipas at natapos agad bumoto si Senator Leila de Lima pasado alas-12:00 ng tanghali kanina.

 

Pagsapit sa Sta. Rita College sa Paranaque, mabilis na nagtungo sa precint no. 0648-A. Cluster 202 ang senadora at mabilis din siyang umalis kasama ng kaniyang sangkaterbang security escort.

 

Ayon kay Mr. John Patricio, head coordinator ng PPCRV sta. Rita, bahagyang nagkagulo ang ibang botante dahil ang iba sa kanila ay gustong makunan ng larawan ang senadora.


 

Nagawa naman kontrolin ng mga escort ni De Lima ang mga taong gusto siyang malapitan saka bumalik sa normal ang sitwasyon ng botohan.

 

Matatandaan na Kinatigan ng Muntinlupa Regional Trial Court ang Urgent Motion for Furlough ng akusadong Senador at pinayagan siyang gamitin ang kanyang karapatan sa pagboto sa ilalim ng escorted detainee voting system ng Comelec.

 

Hindi tulad ng ibang eskwelehan, tahimik at  maayos ang ginaganap na botohan dito sa Sta. Rita Colleges at wala din naireport na nagkaroon ng aberya ang mga Vote Counting Machine o VCM.

 

#RMNbantaybalota2019

Facebook Comments