MANILA – Tinawag ngayon ni Sen. Leila De Lima na “selective justice” ang panibagong kasong isinampa laban sa kanya ng National Bureau of Investigation kaugnay sa iligal na transaksyon ng droga sa New Bilibid Prison.Kahapon ay sinampahan ng NBI si De Lima ng paglabag sa comprehensive dangerous drugs act at anti-graft and corrupt practices act matapos itong pangalanan ni Kerwin Espinosa na tumanggap aabot sa walong milyong piso bilang drug money.Buwelta ngayon ng senadora, hindi na bago sa kanya ito at inaasahan na nito ang marami pang kasong isasampa sa kanya ng Duterte Administration.Pero tanong ni De Lima – tila ginagamit ang buong pwersa ng gobyerno, pati na ang drug lord na si Espinosa para lamang madiin siya at maipakulong.Giit nito, dapat ang ipinapakulong ng kasalukuyang administrasyon ay ang mga tunay na drug lords at bigtime criminals dahil ito ang tunay aniya na hustisya.
Sen. Leila De Lima – Tinawag Na “Selective Justice” Ang Panibagong Kasong Isinampa Sa Kanya Ng Nbi Kaugnay Sa Bilibid D
Facebook Comments