Inanunsyo ni Top Rank founder at CEO Bob Arum na tatakbo sa susunod na eleksyon si Senator Manny Pacquiao bilang Pangulo ng Pilipinas.
Kinumpirma raw ito sa kaniya ng mambabatas sa pamamagitan ng zoom meeting kamakailan.
Noong nakaraang taon, matatandang binanggit ng “Pambansang Kamao” na wala siyang plano tumakbo sa mas mataas na posisyon. Sa halip ay bubuo na lamang daw siya ng sariling partido.
“Hindi ko pa iniisip yan. May isang term pa ako as a senator. Kahit gustuhin mong maging Pangulo ng Pilipinas kung hindi yan ipagkakaloob sa yo ng Diyos, hindi ka mapupunta doon,” pahayag noon ng opisyal sa isang ulat.
Sinabi rin ni Arum kay WBC president Mauricio Sulaiman na si Pacquiao ang magiging kauna-unahang boksingero mamumuno ng bansa kung sakaling manalo ito sa halalan.
“The first president I think we’ll get as a fighter is little Manny Pacquiao, who told me, once again,” dagdag pa niya.
Bago naluklok sa Mataas na Kapulungan, si Pacman ay dating kongresista sa probinsiya ng Saranggani.
Wala pang inilalabas na reaksyon ang personalidad kaugnay ng isinawalat ni Arum.
(FILE PHOTO FROM GETTY IMAGES)