MANILA – Sinulatan na umano ng kampo ni Senator Bongbong Marcos ang Comelec para maipaliwanag sa kanila ang nadiskubreng pagpalit umano ng hash code o bagong command sa transparency server noong gabi ng May 9 election.Ayon kay Atty. Francesca Huang, abogado ni Marcos, matapos mailagay ang bagong command sa server ay bigla na lamang lumamang si Camarines Sur 3rd district Rep. Leni Robredo.Giit ni Huang, dapat ipaliwanag ng Comelec ang nasabing new command na nadiskubre.Sinabi naman ni Comelec Commisioner Rowena Guanzon, hindi pa naisusumite ng kampo ni Marcos ang apela nito kaugnay sa umano’y discrepancy sa bilangan.Kasabay nito, nilinaw ni Guanzon na ang kongreso na ang magbibilang ng boto sa Presidential at Vice Presidential at hindi ang Comelec.
Sen. Marcos, Hinamon Ng Comelec Na Magsumite Ng Pormal Na Reklamo Kaugnay Sa Apela Nito
Facebook Comments