Sen. Marcos, hindi pinagbigyan ang mga kongresista sa panawagang itigil na ang People’s Initiative investigation

Tumanggi si Senator Imee Marcos na pagbigyan ang muling panawagan ng mga kongresista na itigil na ang imbestigasyon sa People’s Initiative at sa halip ay pagtuunan ang pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.

Iginiit ni Sen. Marcos, Chairperson ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation na siyang nangunguna sa imbestigasyon sa People’s Initiative na siya mismo ay sawang-sawa na sa People’s Initiative ng mga kongresista.

Kailangan aniyang ituloy at tapusin ng Senado ang pagsisiyasat.


Sa susunod na pagdinig ay muling ipina-subpoena ang mga dokumento na naglalaman ng listahan ng mga donor sa TV advertisement na Edsa-Pwera na aabot sa halagang ₱55 million.

Ito ay kahit pa sinabi na ng PIRMA lead convenor na si Noel Oñate na ibinalik niya sa mga donors ang ₱28 million na kontribusyon matapos na kwestyunin ng mga senador ang ibinayad na buwis para dito.

Paliwanag ni Oñate, minabuti niyang isauli ang donasyon dahil sa pangamba ng mga donor para sa kanilang seguridad at privacy.

Facebook Comments