Mga katolikong deboto na nagtungo sa Baclaran Church ngayong umaga, umabot na sa mahigit 12K

 

Pumalo na sa mahigit 12,000 ang bilang ng mga deboto na nagtungo ngayong umaga sa Baclaran Church.

Ito’y kasabay pa rin ng Ash Wednesday, Baclaran Day at Valentine’s Day at pag-uumpisa ng kwaresma.

Kapansin-pansin naman sa labas ng Baclaran na hindi lamang sampaguita ang itinitinda kundi pati mga rosas at iba pang bulaklak na mabili naman sa mga dumaraan papasok ng simbahan.


Inaasahan pa rin na daragsa pa ang bilang ng mga deboto ngayon sa nasabing simbahan.

Patuloy namang nakaantabay ang pamunuan ng Baclaran Church at ang kanilang security personnel upang matiyak ang kaligtasan ng mga Katoliko.

Facebook Comments