Sen. Marcos, umapela sa bagong administrasyon na panagutin ang agricultural smugglers

Nanawagan si Senator Imee Marcos sa bagong administrasyon na sa unang 100 araw ay magkasa ng mas malalimang imbestigasyon sa agricultural smuggling at panagutin ang mga nasa likod nito.

Ayon kay Marcos, ang pagsasampa ng mga kaso sa mga smuggler ay magpapakita ng pagiging seryoso ng bagong administrasyon sa matigil ang “misdeclaration” at “undervaluation” ng mga imported na pagkain.

Aniya, ang mga ilegal na imported product ay nakapagpababa ng local farm gate prices na siya namang nakakahikayat sa mga magsasaka na itigil na lang ang kanilang hanapbuhay.


Gayunman, sinabi ni Marcos na kailangan munang linawin ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang listahan ng mga indibidwal na umano’y protektor at sangkot sa agricultural smuggling.

Matatandaang ang naturang listahan ay nakapaloob sa inilabas na report ng 18th Congress Senate Committee of the Whole patungkol sa agricultural smuggling.

Facebook Comments