Palasyo, nilinaw na wala pang bagong chairman ang PAGCOR

58

Itinanggi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang kumakalat sa social media na mayroon nang bagong Chairman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ayon kay Angeles, hindi totoong itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Erwin Garcia bilang PAGCOR Chairman.

Aniya, wala pang itinatalaga ang pangulo para sa nabanggit na puwesto kaya hintayin na lamang ang magiging anunsiyo sa mga susunod na araw.


Nabatid na marami pang mga departamento sa gobyerno ang hindi pa napupunan para sa Marcos administration kabilang na ang Department of Health (DOH) at Department of Energy (DOE).

Paliwanag ni Angeles, masusing pinag-aaralan ang aplikasyon ng mga personalidad para sa mga mahahalagang puwesto sa gobyerno.

Facebook Comments