MANILA – Hindi makadadalo si Sen. Mirriam Defensor-Santiago sa ikalawang Presidential Debate sa Linggo na gaganapin sa Cebu City.Paliwanag ni Santiago – kailangan nilang manatili ng ilang araw sa ospital para sa isang clinical trial ng isang bagong anti-cancer pill.Bukod rito – kailangan rin aniya niyang sumailalim sa radiation treatment bilang isang outpatient sa mga susunod na araw.Pero tiniyak naman ng senadora na kapag naging maayos ang kanyang pakiramdam ay sasabak siya sa April 24 Presidential Debate na inorganisa ng Commission on Elections (COMELEC).Si Santiago ay unang na-diagnosed na mayroong stage 4 lung cancer noong 2014 pero bago siya nagsumite ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ay kanyang sinabi na maayos na ang kanyang kundisyon.
Sen. Mirriam Defensor-Santiago – Hindi Makakadalo Sa 2Nd Presidential Debate
Facebook Comments