Sen. Nancy Binay, nanawagan sa publiko na simulan na ngayon ang pagtitipid ng tubig

Umapela si Senator Nancy Binay sa publiko na simulan na ngayon ang pagtitipid sa tubig.

Ang panawagan ng senadora ay sa gitna na rin ng posibilidad ng kakapusan sa suplay ng tubig ngayong may nagbabadyang El Niño.

Binigyang-diin ni Binay na ang isyu ng krisis sa tubig at ang El Niño ay isyu ng lahat ng mga Pilipino.


Punto ng senadora, ang bawat isa ay mayroong bahagi sa solusyon at ang pagresolba sa problema ay hindi lamang nakapatong sa balikat ng iisang sektor, institusyon, ahensya o kumpanya kaya’t kakailanganin ng paghahanda ng lahat.

Kaya naman, hiling ni Binay sa mga kapwa niya consumers na umpisahan na ngayon ang pagtitipid ng tubig at sabayan ito ng panghihikayat sa mga kasama sa bahay na maging praktikal sa paggamit ng tubig.

Aniya, ayaw na nating bumalik sa panahon na pumipila sa pagiigib ng tubig at umabot na inirarasyon ang tubig sa mga lugar.

Facebook Comments