Kamara at DSWD, namigay ng ayuda sa mga biktima ng oil spill

Katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay namahagi ng tulong pinansyal ang mga tanggapan nina House Speaker Martin Romualdez at Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez ng tulong sa mga biktima ng oil spill.

600 oil spill victims sa Oriental Mindoro ang nakatanggap ng ayuda mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng DSWD.

Bukod dito ay magbibigay rin ang tanggapan ni Speaker Romualdez sa first district ng lalawigan ng P500,000 calamity fund.


Ayon kay Representative Romualdez, kahit papaano ay makakatulong sa pangangailangan ng mga biktima ng oil spill ang naturang salapi bagama’t hindi ito sapat para matugunan ang mga pinsalang dulot ng sakuna.

Facebook Comments