Maxene Magalona, may sorpresa sa mga cancer patient

293

Pinaputulan ng aktres na si Maxene Magalona ang kaniyang buhok para ibigay sa mga pasyente na may sakit na cancer.

Ipinost pa ni Maxene ang kaniyang larawan sa Instagram kung saan makikita ang kaniyang bagong hairstyle at ang ginupit niyang buhok.


Say ni Maxene, matagal siyang natakot na magpagupit nang maigsi dahil sa kaniyang balakang.

Pero hinikayat raw siya ng kaniyang asawang si Rob Mananquil na magpagupit at ibigay sa mga nangangailangan.

Ibinigay ni Maxene ang kaniyang buhok sa charity organization na “Hair for Hope” na gumagawa ng mga wig para sa mga cancer patient.

Facebook Comments

From Advertisers