Sen. Pacquiao, nakatakdang mag bigay ng 5 bus sa MMDA upang gamitin sa libreng sakay ng  mga health workers at frontliners ng gobyerno

Nakatakdang magbigay si Senator Manny Pacquiao magbigay ng Limang Bus sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang mabigay ito ng libreng sakay sa mga heath workers at frontliners ng gobyerno na papasok sa kani-kanilang trabaho habang ipinatutupad ang local travel ban sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Jojo Garcia, ngayon araw mag pupunta ng MMDA Main Office si Senator Pacman upang pormal na maibigay ang nnasabing limang bus.

Anya sa ngayon wala pang partikular na lugar kung saan popwesto ang limang bus, dahil makikipag ugnayan pa sila sa mga hospital ng Metro Manila ay sa Pulis.


Ang mahalaga anya handa ang MMDA kung sakaling kulanging ang sasakayan ng gobyerno na nagbabyahe na ngayon upang magbigay ng libreng sakay sa mga Heath worker.

Tiniyak naman ni Garcia na susunod sa mga protocol ng Department of Health o doh ang MMDA bago ipagamit ang nasabing limang bus.

Sa ngayon ang MMDA ay mayroon tatlong bus pero para lamang ito sa mga skeleton workers ng nasabing ahensya na papasok sa trabaho habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

Facebook Comments