Sen. Panfilo Lacson, kumpiyasa na hindi papaboran ng Korte Suprema ang mga petisyon laban sa Anti-Terrorism Law

Kumpiyansa si Sen. Panfilo Lacson na hindi papaboran ng Korte Suprema ang mga petisyon na inihain sa kanila laban sa Anti-Terrorism Law.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Lacson na ipinauubaya na niya sa Korte Suprema ang desisyon lalo na’t sila ang may kapangyarihan na mag-unawa ng mga batas na ipinapasa ng Kongreso.

Pero bilang isa sa principal author ng Anti-Terrorism Law, tiwala si Lacson na walang makikitang anumang butas sa bagong pasang batas lalo na’t dumaan aniya ito sa masusing pag-aaral.


Sa mga hindi pabor sa Anti-Terrorism Law, tiniyak ng Senador na mananatili ang karapatan ng ating mga kababayan sa ilalim ng Bill of Rights.

Hindi rin aniya bini-bigyan ng kapangyarihan ang Anti-Terrorism Council sa nasabing batas lalo nat dadaan sa korte ang desisyon sa pag-aresto ng mga pinaghihinalaang terorista.

Naninindigan si Lacson na na-misinterpret lang ng mga kritiko ang nasabing batas na naglalayong patatagin ang mga ipinapatupad na hakbang ng gobyerno laban sa terorismo sa bansa.

Facebook Comments