Sen. Pimentel, kumbinsido na bumaba ang bilang ng mga drug user

Manila, Philippines – Walang duda si Senator Koko Pimentel sa magandang resulta ng all out war on drugs ng Administrasyong Duterte.

Pahayag ito ni Pimentel, makaraang lumabas sa survey ng Social Weather Station na mayorya ng mga Pilipino ang naniniwala na bumaba ang bilang ng mga drug users sa bansa.

Paliwanag ni Pimentel sa ilalim ng war on drugs ng administrasyon ay delikado na masangkot sa iligal na droga kaya ang pinaka matapang na kriminal na lamang ang maglalakas ng loob na mag negosyo ng drugs.


Ayon kay Pimentel, ang mga gusto naman na sumubok na gumamit ng drugs o potential drug user ay ayaw naman magulo ang buhay kaya iiwas na lang sila sa illegal drugs.

Facebook Comments