Wednesday, January 28, 2026

Sen. Ping Lacson, kinontra ang pahayag ni Batangas Rep. Leandro Leviste na umiiral ngayon ang “de facto Martial Law”

Tutol si Senate President pro-tempore Ping Lacson sa pahayag ni Batangas Rep. Leandro Leviste na umiiral ang “de facto Martial Law” sa bansa kaya ginigipit sila ng gobyerno.

Sinabi ni Lacson na malimit siyang sumang-ayon kay Leviste lalo na sa mga prinsipyo nito subalit sa pagkakataong ito ay hindi siya pabor.

Para sa senador, malayo sa ibinibintang ni Leviste na katangian ng “de facto Martial Law” ang kasalukuyang sitwasyon.

Giit ni Lacson, wala siyang nakikitang panggigipit sa mga bumabanat sa administrasyon at sa katunayan, si Leviste pa nga ang naghain ng reklamong libel laban sa bumabatikos dito.

Samantala, napagbigyan ng senador ang hiling na pulong ni Leviste at ibinahagi ni Lacson na pinayuhan niya ang batang kongresista na huwag aawayin ang media dahil maaaring hindi na siya interview-hin ng mga ito.

Facebook Comments