Wednesday, February 11, 2026

Sen. Ping Lacson, nilinaw ang maling report tungkol sa pagbabago ng lenggwahe sa Partial Committee Report ng Blue Ribbon Committee

Sinita ni Senator Ping Lacson ang ilang maling ulat sa lumabas tungkol sa partial committee report ng Blue Ribbon Committee tungkol sa maanomalyang flood control projects.

May mga ulat aniya na hindi na pinakakasuhan ang ilang senador sa halip ay inirekomenda na lang na isailalim sa preliminary investigation o PI.

Giit ni Lacson, preliminary investigation lang talaga ang pwede dahil hindi naman uubra na magsampa ng kaso sa korte ang blue ribbon committee o ang Senado.

Daraan at daraan aniya sa preliminary investigation ng DOJ o ombudsman ang mga nakita nila na dapat kasuhan.

Nilinaw lang nila na sa halip na gamiting salita ay “to be charged”, naging to be recommended for “preliminary investigation” ng DOJ o Ombudsman.

Tiniyak ni Lacson na sa kabila ng pagbabago ng ilang salita , hindi hihina at hindi nabago ang sustansya at intensyon ng report.

Facebook Comments