Sen. Poe, iginiit ang pagpaparusa sa pinakahuling insidente ng pag-water cannon ng China sa supply vessel ng bansa

Hindi makakapayag si Senator Grace Poe na hahayaan na lamang na makalusot ang mga Chinese vessels na naglagay sa panganib sa buhay ng ating mga Navy personnel na maghahatid lamang ng mga suplay sa tropang nakaistasyon sa Ayungin Shoal.

Kinokondena ng senador ang pinakahuling water cannon attack ng China sa ating supply vessel dahil bukod sa nagdulot ito ng pagkasugat sa tatlong tauhan ng Navy ay nagkaroon din ng lubhang pagkasira ang ating barko.

Binigyang-diin ni Poe na dapat matigil na ang hindi sibilisadong aksyon ng China at papanagutin ang mga lulan ng barko na nasa likod ng pagpapahamak sa ating mga tauhan.


Paalala na aniya ng palala ang ginagawang harassment ng China sa ating bansa at sa ating teritoryo mula sa pagbuntot sa ating mga barko hanggang sa pagbabangga at pagwater cannon sa mga ito.

Giit ni Poe, habang patuloy na lumalaban ang bansa sa pamamagitan ng legal, lehitimo at mapayapang paraan ay dapat na sabayan din ito ng pagpapanagot sa mga may kasalanan.

Facebook Comments